Typhoon Egay lalo pang lumakas

NI MJ SULLIVAN

Lalo pang lumakas ang bagyong Egay habang kumikilos papunta sa Philippine Sea bago tuluyang lumabas ng bansa.

Sa pinakahuling data na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyong Egay sa layong 525 km silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas na hangin na nasa 150 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 185 km/h at central pressure na 960 hPa at kumikilos nang dahan-dahan pakanluran.

Nakataas ang signal no. 2 sa Catanduanes, gitna at silangan ng Isabela kasama ang Palanan, Dinapigue, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Roxas, Burgos, Ilagan City, Divilacan, San Mariano, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, Cauayan City, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Guillermo, Echague, Jones, Angadanan, Alicia, San Mateo, San Isidro, at San Agustin.

Gayundin ang silangang bahagi ng Albay kasama ang Rapu-rapu, Bacacay, Tabaco City, Malilipot, Malinao, Tiwi habang sa silangang bahagi ng Camarines Sur kasama ang Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagnay. Hilagang bahagi  ng Aurora kasama ang Dilasag, Casiguran, Dinalungan.

Silangang bahagi ng Quirino, silangan at gitnang bahagi ng Cagayan kasama ang Santa Ana, Gonzaga, Lall-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Penablanca, Amulung, Alcala, Iguig, Tuguegarao City, Solana, Enrile at hilagang bahagi ng Camarines Norte kabilang ang Calaguas, at Maculabo islands.

Signal no. 1 naman sa Sorsogon, sa nalalabing bahagi ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Isabela, at nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Abra, Kalingan, Mountain Province, Ifugao, nalalabing bahagi ng Quirino, Nueva Viscaya, Batanes, Masbate kabilang ang  Ticao island, Burias island, Quezon kasama ang Polillio islands, nalalabing bahagi ng Aurora, Benguet, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Marinduque, Cavite, Metro Manila, Rizal, Laguna, silangan at gitnang bahagi ng Romblon at Batangas.

Signal no. 1 din sa Eastern Samar, nalalabing bahagi ng Northern Samar, Samar, Biliran, hilaga at gitnang bahagi ng Leyte, hilagang bahagi ng Cebu, kabilang ang Bantayan island at Camotes island.

Leave a comment