
Ni NOEL ABUEL
Labis na ipinagtataka ng Senate minority group kung bakit hindi kasama prayoridad ng pamahalaan ang usapin ng wage hike sa mga manggagawa sa pribadong kumpanya gayung patuloy ang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin.
Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, hindi nito maunawaan at iba ang nais na iprayoridad ng pamahalaan sa halip na ang sikmura ng taumbayan ang unahin.
Aniya, nagtataka ito kung bakit ayaw iprayoridad ang wage hike samantalang hindi naman aniya bumababa ang presyo ng bilihin sa merkado.
Tugon ito ni Pimentel matapos ang opening address ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Second Regular Session kung san 23 senador ang personal na dumating habang wala si Senador Pia Cayetano.
Sa ipinadalang impormasyon ng tauhan ni Cayetano, nagpadala na official letter sa Senate leadership sa pagsasabing bahagi ang senador ng delegasyon ng Philippine Women’s National Football Team kung saan kalahok ang bansa sa FIFA Women’s World Cuo sa New Zealand at Australia.
Kabilang din sa kukuwestiyunin ni Pimentel ang Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) na isinusulong sa Kongreso.
Aniya, mayroon nang National Service Training Program (NSTP) ang bansa kung kaya’t hindi na dapat pang ibalik ang ROTC.
Giit pa nito, malabo rin ang Mandatory ROTC dahil sa maliban sa pagsasailalim sa police training ang mga estudyante maaari rin itong mga military reserve.
