Kamara tutulong sa Malacañang vs smugglers at hoarders –Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na makakaasa ng tulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para papanagutin at makasuhan ang mga nasa likod ng smuggling at hoarders ng produktong agrikultura.

Ito ang sinabi ni Romualdez kung saan handa aniya ang Kamara para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng pangunahing bilihin dahil sa malaking pagkalugi ng mga magsasaka bunsod ng pagkalat ng smuggling na produkto.

“We share the President’s anger and frustration with smuggling, hoarding and price manipulation. We will redouble our efforts to stop the smuggling and hoarding of rice, sugar, onions, garlic, and vegetables, which harms our farmers’ competitiveness and disrupts the agricultural value chain,” ani Romualdez, lider ng 312-miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Kami sa Kongreso ay tutulong sa Pangulo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat ng kaya naming gawin ay ibubuhos namin sa misyong ito,” aniya

“We shall safeguard the interests of our farmers and our people in general, ensure equitable market conditions, and foster sustainable farming methods to guarantee our nation’s food security,” dagdag pa nito.

Muli ring inulit ni Romualdez ang babala ng Pangulo na bilang na ang mga araw ng mga smugglers, hoarders at mga price manipulators.

Ayon pa dito, sisikapin ng Kamara na babantayan ang presyo ng mga produkto sa bansa laban sa mga nasa likod ng hoarding.

“We will continually check on prices, especially of staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade that hamper competition,” ani Romualdez.

“That is part of our oversight function. We have the appropriate tools to carry this out, including conducting follow-up hearings and summoning suspected hoarders, smugglers and cartel leaders if needed. We will not shirk from our duty to help our people,” pahayag pa nito.

Nanawagan din ang Speaker sa mga kinauukulang departamento at iba pang mga tanggapan at state offices na tulungan ang mga magsasaka sa pagkuha ng teknolohiya, pagpopondo, kagamitan, at mga input upang mapabuti ang kanilang ani at mapalakas ang suplay ng mga produktong pang-agrikultura.

“Needless to say, if there is sufficient supply, it would not be profitable for traders to resort to hoarding and similar anti-competitive activities,” ayon pa dito

Magugunitang nagsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Agriculture bunsod ng pagtaas ng presyo ng sibuyas na umabot ng P600 bawat kilo.

Natuklasan ng komite ang ebidensya na nagtuturo sa pagkakaroon ng isang kartel sa likod ng pagtaas ng presyo noong 2022 at ngayong taon na itinuro ang isang Lea Cruz, na tinaguriang “Sibuyas Queen.”

Leave a comment