
Ni NOEL ABUEL
Nagpahayag ng pasasalamat ang isang kongresista kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa utos nitong habulin at sugpuin ang mga illegal smugglers at horders.
Ayon kay Magsasaka party list Rep. Robert Nazal Jr. umaasa itong magiging malakas na ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga lokal na produksyon.
“Nagpapasalamat tayo na binanggit ni Pangulong Marcos ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagsuporta sa lokal na produksyon. Ito ay ating susuportahan at itutulak sa darating na mga buwan at panahon,” sabi ni Nazal.
Suportado rin aniya nito ang pagdaragdag ng mga Kadiwa stores sa bansa na malaking tulong sa mga mahihirap na pamilya.
“We definitely support the opening of more Kadiwa stores as this will benefit more Filipino families. Napapanahon din ‘yung panawagan niya na habulin at sugpuin ang mga smugglers at horders,” ayon pa dito.
Tinukoy pa nito ang pahayag ng Pangulo sa kanyang state-of-the-nation-address (SONA) na plano at programa ng administrasyon sa agrikultura tulad ng pag-amiyenda sa Fisheries Code, at sa Anti Agricultural Smuggling Act, at Cooperative Code.
“I will not belabor him for omitting other issues because it is impossible to cram all of our problems in one speech. What is important is that he mentioned about the things many of our people want to hear from him. It is a well-curated address,” ayon pa kay Nazal.
