P117M ayuda, ipinaabot ni Speaker Romualdez at Tingog party-list sa mga sinalanta ng Super Typhoon Egay

Ni NOEL ABUEL

Nagpaabot ng tulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party-list para tulungan ang mga biktima ng Super Typhoon Egay sa Northern Luzon.

Nabatid na aabot sa P117 milyong halaga ng relief goods at tulong pinansyal ang inilaan ni Romualdez at Tingog party-list upang maipamahagi sa mga nasalanta ng bagyo sa nasabing probinsya.

Ayon sa kay Romualdez, sisimulan ang pamamahagi ng tulong sa araw ng Huwebes.

“We hope the aid will ease the pain and suffering of our people who are affected by the super howler,” ani Speaker Romualdez.

Patuloy ring pinag-iingat ng House leader ang mga taga-Norte mula sa patuloy na pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa kabila ng pag-layo ng bagyo papalabas ng bansa.

Nanawagan din ang pinakamataas na lider ng Kamara de Representantes sa mga kinuukulang ahensya at mga local government units (LGUs) na agad magkasa ng pagsasa-ayos ng daan at imprasktraktura oras na bumuti na ang panahon.

Ayon kay Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang relief at financial assistance ay patunay sa malasakit ng liderato ng Kamara at pagtupad sa pangako na tulungan ang mga nangangailangan.

“We hope our kababayan in the north and their communities are able to recover fast from this adversity,” sabi ni Rep. Romualdez.

Sinasabing P22 milyon sa P117 milyon na ayuda ay hinugot mula sa personal calamity fund ng House Speaker kung saan bahagi ay galing sa kontribusyon ng mga kaibigan noong kaniyang kaarawan noong nakaraang taon.

Ang nalalabing P95 milyon ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian.

Makailang ulit nang nakipagtulungan ang Speaker’s office at Tingog kasama si Rep. Jude Acidre para sa pagpapaabot ng tulong at paglalabas ng AICS para sa mga biktima ng bagyo, sunog at iba pang kalamidad.

Hahatiin ang P117 milyon na tulong sa Ilocos Norte, 1st District ni Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos): P1 million cash assistance, P2 million relief goods (5,000 packs), at P10 million AICS.

Habang sa Ilocos Sur, 2nd District ay kay Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan): P1 million cash, P2 million relief goods (5,000 packs), at P10 million AICS.

At sa Cagayan, 1st District, ni Rep. Ramon C. Nolasco Jr.): P2 million cash, P4 million relief goods (10,000 packs), at P20 million AICS.

Gayundin sa Cagayan, 2nd District ni Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso): P1 million cash assistance, P4 million relief goods (10,000 food packs), at P20 million AICS.

Samantala sa Ilocos Sur, 1st District ni Rep. Ronald V. Singson): P5 million AICS.

At Cagayan, 3rd District ni Rep. Joseph “Jojo” L. Lara): P1 million cash, P1 million halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 million AICS.

Sa Benguet, Lone District ni Rep. Eric Go Yap): P10 million para sa AICS, P500,000 na cash assistance, at P1 million na halaga ng relief goods (2,500 food packs).

At sa Baguio City ni Rep. Mark O. Go na P500,000 cash, P1 million na halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 million para sa AICS.

Leave a comment