
Ni NOEL ABUEL
Nasa kamay na ng Philippine National Police (PNP) kung papaano madadakip at masasampolan ang mga lalabag sa SIM Registration Law.
Ito ang sinabi ni Senador Grace Poe, may-akda at sponsor ng Republic Act 11934 o ang SIM Registration Act, kasunod ng pagtatapos ng deadline sa pagpaparehistro ng SIM cards sa buong bansa.
Ayon kay Poe, dapat nang habulin ng mga awtoridad ang mga scammers na magpapatuloy pa rin ng kanilang operasyon gamit ang sim cards.
Aniya, ngayong natapos na ang SIM registration noong Hulyo 25, wala na dapat mangyaring scamming na hindi mahahanap ng mga awtoridad at papanagutin.
“The end of SIM registration signals the beginning of intensified crackdown on mobile phone scammers,” said Poe, author and sponsor of the Republic Act 11934 or the SIM Registration Act. Hamon sa law enforcers na maipakita kung paano masasampulan ang mga lumalabag sa SIM Registration Law,” sabi ni Poe.
Sa pamamagitan ng batas, binigyang diin ng chairperson ng Senate committee on public services na mayroon na ngayong mekanismo at maaasahang datos ang PNP at concerned enforcement agencies para ma-monitor ang mga krimen na may kinalaman sa SIM.
“Hindi na mangangapa sa dilim ang PNP kapag may nag-report ng text scam. Kaakibat nito, inaasahan natin ang mabilis na pagresponde sa mga sumbong para mapanatag naman ang ating mga kababayan,” aniya pa.
Hangarin ng nasabing batas na wakasan ang mga krimen gamit ang text scams sa pamamagitan ng pag-uutos sa pagpaparehistro ng SIM.
Inaatasan nito ang lahat ng telecommunications providers na magsumite ng verify na listahan ng kanilang mga awtorisadong dealers at ahente sa buong bansa sa National Telecommunications Commission at update sa listahan ng parehong bawat quarter ng bawat taon.
Tinitiyak din ni Poe sa publiko na sa ilalim ng nasabing batas ay masisiguro na hindi malalabag ang ‘right to privacy’ ng bawat SIM card users.
Inaaasahn ng pamahalaan na sisimulan na ang pagde-deactivate ng mga unregistered mobile numbers na magreresulta ng pagkawala ng mobile services tulad ng data at texts.
Binigyan ng limang araw na grace period ang mga mobile owners na i-reactivate ang kanilang SIM sa pamamagitan ng pagpaparehistro kung hindi ay tuluyan nang ipapawalang bisa ito ng telco providers.
