Habagat tuloy sa pagpapaulan

Ni MJ SULLIVAN
Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Egay matapos na manalasa sa hilaga at gitnang Luzon na nagpalubog sa ilang probinsya.
Sa tropical cyclone bulletin no. 33 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang thypoon Egay sa layong 255 kanluran ng Itbayat, Batanes at napanatili nito ang lakas na hangin na nasa 150 km/h malapit sa gitna at pagbugso na nasa 185 km/h.
Kumikilos ito ng hilaga hilagang kanluran sa Luzon Srait sa karagatan timog kanluran ng Taiwan Strait at inaasahang magla-landfall sa Fujian, China bukas ng umaga.
Nakataas na lamang tropical cyclone wind signal no. 2 ang Batanes, ang hilagang kanluran ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands at ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte na makakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang makakas na hangin na posibleng magdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa.


Ayon pa sa PAGASA, magpapatuloy ang pag-ulan at masamang panahon dahil sa mas pinaigting na habagat kung saan ngayong araw ay mararanasan sa Luzon at Western Visayas habang bukas naman ay apektado ng habagat ang Batanes, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite katimugang bahagi ng Quezon, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.
At sa araw ng Sabado, ay apektado rin ang Zambales, Bataan, Cavite, Antique, at Kalayaan islands.
Samantala, patuloy pa ring binabantayan ang isa pang namumuong sama ng panahon na nasa labas pa ng PAR na inaasahang papasok sa bansa sa araw ng Linggo.
