
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental sa magkasunod na araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ganap na ala-1:47 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.8 na lindol.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 098 km timog kanluran ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental at may lalim na 018 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyo sa nasabing paglindol.
Samantala, noong Hulyo 25 nang maitala ang magnitude 4.9 na lindol dakong alas-11:35 ng gabi.
Ang lokasyon nito ay nasa layong 354 km timog silangan ng Balut Island, sa munisipalidad din ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 113 km at tectonic ang origin.
Inaalam pa kung may nasirang ari-arian sa nasabing paglindol.
