Bagong opisina ng BI binuksan sa Olongapo

(Mula sa kaliwa) Si Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr., (gitna) BI-IRD Chief Rogelio D. Gevero, Jr. at Rachel Queenie Dizon-Rodulfo ng SM na nagpasinaya sa bagong opisina ng BI.

Ni NERIO AGUAS

Nagbukas ng bagong tanggapan ang Bureau of Immigration (BI) sa Olongapo City na naglalayong mailapit ang serbisyo sa nasabing probinsya at karatig-lalawigan.

Hulyo 26 nang buksan ng BI ang bagong opisina nito na matatagpuan sa ika-6 na palapag ng L SM City Olongapo Downtown sa kahabaan ng Magsaysay Drive at Gordon Avenue.

Personal na naging panauhing pandangal sa okasyon si Olongapo City Mayor Rolen Paulino, Jr., ng SM management, at ilang opisyal ng BI.

“This new office is but one of the numerous improvements that we have to bring our services closer to the people,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

“Our vision is to enhance the accessibility of immigration services, and this office represents a crucial step towards achieving that goal,” dagdag nito.

Nabatid na plano ng ahensya na ilipat ang marami sa mga operasyon ng BI sa mas accessible na mga lokasyon tulad ng mga malls para sa kaginhawahan ng publiko.

“Apart from this, we are also set to open new offices in popular tourist areas. We are targeting to transfer many of our operations to more accessible locations such as malls for convenience of the transacting public,” ayon pa dito.

Leave a comment