Sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa

Ni NOEL ABUEL
Pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagkilala nito sa mahalagang papel ng Kongreso sa paghikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa upang makalikha ng mapapasukang trabaho para sa mga Pilipino.
Si Romualdez ay bahagi ng delegasyon ni Pangulong Marcos sa tatlong araw na state visit nito sa Malaysia, kung saan nakakuha ito ng US$285 milyong investment pledge na inaasahang makalilikha ng mahigit 100,000 trabaho.
“We are grateful to President Marcos for citing the key legislations we had passed and the critical need for collaboration between the Executive and the Legislative in making the Philippines a more investor-friendly place,” ayon sa lider ng Kamara.
“This motivates us even more in the House of Representatives to redouble our efforts at passing the remaining priority bills before the end of 2023, which are needed to sustain our robust economic growth and enhance our competitiveness to draw in more investments that would mean more jobs and livelihood for our people,” dagdag pa nito.
Ang pinatutungkulan ni Romualdez ay ang pahayag ng Pangulo kaugnay ng investor-friendly policies at mga programa ng gobyerno sa isinagawang Roundtable Meeting kasama ang mga malalaking negosyante sa Malaysia.
Sinabi ng Pangulo na mas marami nang negosyo ang maaaring maging pagmamay-ari ng mga dayuhan sa pagsasabatas ng Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, the Public Services Act (PSA), at Renewable Energy (RE) Act.
Binanggit din ng Pangulo na mas naging business-friendly ang corporate taxation ng bansa na nagbibigay ng mas mababang tax rate at insentibo sa mga partikular na negosyo.
Sinabi pa nito na mayroon pang mga batas na dapat amiyendahan upang mas gumanda ang business environment ng bansa.
Sa puntong ito ipinakilala ng Pangulo sa mga negosyanteng Malaysian ang mga mambabatas na bahagi ng kanyang opisyal na delegasyon.
“I would also like to introduce the gentlemen seating on my left here is the Speaker of the House, Speaker Martin Romualdez and he is a critical part here, and the rest, we have two senators also here, Senator JV Ejercito and Senator Mark Villar, who have been critical in assisting us pushing this legislation – these amendments to the legislation through Congress. And to get this amendment— to get the new laws enacted,” sabi ng Pangulo.
Nauna rito ay tiniyak ni Romualdez na ipapasa ng Kamara ang mga panukala na nabanggit ng Pangulo sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) bago matapos ang taon.
Sa 17 panukala na nabanggit sa SONA, sinabi ni Romualdez na natapos na ang Kamara ang ilan sa mga ito kabilang ang Anti-Agricultural Smuggling; Amendments to the Cooperative Code; Tatak Pinoy; at Blue Economy na ipapasa sa Oktubre.
Samantala bago naman ang break ng sesyon sa Disyembre ay aaprubahan umano ng Kamara ang Motor Vehicle User’s Charge; Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension; Revised Procurement Law; New Government Auditing Code; Rationalization of Mining Fiscal Regime; at National Water Act.
Tiniyak din ni Speaker Romualdez na aaprubahan ng Kamara ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa susunod na taon sa Oktubre upang magkaroon ng sapat na panahon ang Senado na dinggin ito at maratipika ng dalawang kapulungan sa Disyembre.
