American sex offender naharang sa MCIA; 1 pang US national kalaboso–BI

Ni NERIO AGUAS

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan Cebu international Airport (MCIA), ang isang American national na natuklasang registered sex offender sa US.

Kinilala ang nasabing dayuhan na si Jonathan Daniel Vasquez, 38-anyos, na convicted noong 2006 sa kasong attempted lewd o lascivious acts sa isang menor-de-edad at nagtangkang mangmolestiya sa isa pa.

Si Vasquez ay nagtangkang pumasok sa noong Hulyo 27 sakay ng Eva Air flight mula Taipei.

Nang dumaan ang dayuhan sa inspeksyon ng immigration officers sa Mactan Cebu international Airport nakumpirma na isa itong registered sex offender.

Agad na ipinatapon pabalik ng pinagmulang bansa si Vasquez.

Ang kaso nito ay inhain ng US Federal Bureau of Investigation kung saan kasama ito sa listahan ng sex offenders sa State of California.

Samantala, isa pang US national ang dinakip ng BI dahil sa illegal na pagtatrabaho sa bansa.

Inaresto ang 34-anyos na dayuhan na hindi pa pinangalanan, sa Poblacion, Makati dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws bunsod ng pagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang working permit.

Isang reklamo ang iniulat sa BI laban sa nasabing Amerikano na ipinakita ang kanyang sarili bilang CEO ng isang kumpanya na nakabase sa Maynila, pati na rin ang may-ari ng maraming restaurant, nang hindi nakakuha ng mga kinakailangang visa o permit.

Kasalukuyang nakadetine sa BI jail facility ang nasabing dayuhan habang inihahanda ang papales para sa pagpapatapon pabalik ng US.

Leave a comment