Alagang Tingog Centers tulong sa mga Cebuano

Reps. Yedda Romualdez at Jude Rep. Acidre

Ni NOEL ABUEL

Pinasinayaan nina Tingog party list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude A. Acidre ang pagbubukas ng dalawang Alagang Tingog Centers sa lalawigan ng Cebu.

Personal na binuksan ng mga kongresista ang ang ATCs sa lungsod ng Mandaue at Guadalupe ng nasabing probinsya.

Layunin ng mga ATCs na magbigay ng agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Cebuano tulad ng edukasyon, medical at burial assistance.

Maliban sa pagbubukas ng dalawang ATCs, pinangunahan din nina Romualdez at Acidre ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) pay-out sa mahigit 3,000 benepisyaryo mula sa mga lungsod ng Lapu-Lapu at Mandaue, at Brgy. Guadalupe, Cebu City.

Nagbigay rin ang mga ito ng 15 unit ng brand-new refrigerator sa ilang mapapalad na benepisyaryo na naroroon sa aktibidad.

Tiniyak nina Romualdez at Acidre sa mga Cebuano na ang kanilang mga ATCs ay magiging ganap na gumagana upang tulungan sa lahat ng posibleng paraan kasama ang tulong ng kanilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Kasama nina Romualdez at Acidre sa nasabing okasyon sina Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan, Cebu City Mayor Michael Lopez Rama, Rep. Emmarie Ouano-Dizon at Rep. Eduardo Roa Rama Jr.

Leave a comment