Sa implementasyon ng PH e-visa

Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si Senador Nancy Binay sa Department of Foreign Affairs (DFA) na natitiyak na non-negotiable requirement ang pag-a-apply ng e-visas at dapat na personal ang kukuha nito.
Ayon kay Binay, masayang tinanggap nito ang pilot implementation ng kauna-unahang electronic visa ng Pilipinas ngunit hinimok ang DFA na na bumuo ng mas mahusay na homeland security policies upang maiwasan na malusutan ng non-technical loopholes, at mabawasan ang posibleng pagsamantalahan ng mga organized syndicates ang mga tour groups at junkets.
“We welcome the implementation of e-visas not only to positively boost tourism, but also as our commitment to facilitate ease of travel. In the same vein, we urge the DFA and NICA to refine national security policies to deter undesirable travelers from extra-legally bypassing immigration laws. Alam naman nating marami ring pumupunta sa Pilipinas na iba ang pakay—mas i-review natin ang mga sistema at exemptions to avoid any misuse and abuse by some foreign nationals,” paliwanag ng senador.
Ang Electronic visa (e-visa) ay ang digital version ng standard visa na nagpapahintulot sa mga dayuhang manlalakbay na pumasok sa bansa para sa kanilang sariling dahilan.
Bilang kapalit ng physical holographic stamps o stickers sa pasaporte, ang mga aplikante ay makakatanggap na lamang ng e-visa approval code na naka-link sa kanilang pasaporte.
Sinabi pa ni Binay na ang digitalization ay dapat na mapahusay ang biyahe nang hindi nalalagay sa alanganin ang national security ng bansa.
“Though the e-visa system temporarily gives us an opportunity to recover and jumpstart Philippine tourism, kailangan natin magkaroon ng serious strategic decision on embracing the system as a modern travel solution. Every visa decision has a national security dimension. Certain parameters on security should be in place, and apply a multi-layered safety plug plus a face-to-face interview to a narrow category of travelers para talagang salang-sala ang mga pumapasok sa bansa,” sabi pa ni Binay.
Sinabi pa nito na ang pagsusuri sa TOC-related grounds, at ang mahigpit na security screening ang dapat na maging pangunahing konsiderasyon sa pag-apruba sa visa applications.
“Mas laganap ngayon ang transnational crimes lalo na ang human trafficking and prostitution na mula Mainland China. Gaano ba kasigurado tayo na ang nabibigyan natin ng e-visa eh talagang mga lehitimong turista? As a matter of national interest, I share the DFA’s position to require face-to-face interviews with tourist visa applicants whose profiles fall in marked categories,” paliwanag pa ng senador.
Pinayuhan pa nito ang DFA na magpatuloy sa pag-iingat , at idinagdag na ang Bureau of Immigration ay mayroong sistema na susuri sa bawat foreign nationals na nag-o-overstay sa bansa.
Ayon pa kay Binay, kung isinasaalang-alang na ang Pilipinas ang natatanging bansa sa ASEAN ang may Tier 1 status sa ilalim ng US State Department’s annual human trafficking report, hindi dapat maging bulag ang DFA sa mga ulat sa pahayagan na nagsasangkot sa trafficking ng Chinese workers sa bansa.
“Lalo pa ngayong unti-unti nang nanunumbalik ang turismo—we also cannot ignore that China is a big market. I share the opinion that we have to take advantage of the global ‘revenge tourism’ phenomenon, but targeting visitor quotas need not dilute national security interests. At the end of the day, safety nets in homeland security should be in place. Visa applicants must demonstrate their eligibility for an e-visa be it for tourism, business or emergencies purposes. The policy must apply to all foreign nationals, and we always have to be on the side of caution and prudence,” pahayag pa ng senador.
