Epekto ng habagat asahan sa loob ng 3-araw

NI MJ SULLIVAN
Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Falcon at wala ring inaasahang low pressure area na papasok sa bansa para maging bagong bagyo.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tanging epekto na lamang ng Southwest Monsoon o hanging habagat ang mararanasan ng ilang lalawigan sa bansa partikular sa Northern at Central Luzon.
Ngayong araw at bukas ng gabi, inaasahang makakaranas ng malalakas na pag-ulan sa Zambales at Bataas habang ang Ilocos Region, Metro Manila, Cavite, Pampanga, Bulacan, Occidental Mindoro at hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands ay may mga pag-ulan ding mararanasan dahil sa habagat.
Ayon pa sa PAGASA, asahan ang pagkakaroon ng pagbaha at paggguho ng lupa sa mga mababang lugar dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng tatlong araw.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are expected, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amount of rainfall for the past several days,” ayon pa sa PAGASA.
