
NI MJ SULLIVAN
Asahan na magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon at Central Luzon dahil sa epekto ng habagat na pinaigting pa ng bagyong Falcon kahit nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
Sa inilabas ng weather update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong araw ay magiging maulan sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga at Bulacan.
Abiso pa ng PAGASA, dahil sa pag-ulan ay asahan ang pagbaha at pagguho ng lupa partikular sa mababang lugar.
Samantala, bukas naman ay tanging ang Ilocos Region, Zambales at Bataan ang makakaranas ng pag-ulan.
Habang sa araw ng Sabado at Linggo ay asahan na magiging maaliwalas ang panahon na may kasamang minsanang pag-ulan dahil sa habagat.
Wala namang nakikitang low pressure area ang PAGASA sa labas ng PAR kung kaya’t mababawasan ang pag-ulan na matagal at tanging pagbugso na lamang ang mararanasan.
