
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkasunod na malakas na paglindol ang probinsya ng Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, unang tumama ang magnitude 4.1 na lindol dakong ala-1:34 ng madaling-araw kung saan natukoy ang sentro ng lindol sa layong 306 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 078 km at tectonic ang origin.
Samantala, makalipas ang ilang minuto ay muling nilindol ang nasabing lalawigan.
Ganap na ala-1:49 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.0 sa layong 327 km timog silangan ng nasabi ring lugar.
Nakita ang lalim nito sa 073 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing dalawang paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
