
Ni NOEL ABUEL
Inihain ni Senador Christopher “Bong” Go ang Senate Resolution no. 713, na pinupuri at binabati ang mga miyembro ng Philippine Para Teams para sa kanilang natatanging tagumpay sa 2023 Southeast Asian Para Games na ginanap sa Cambodia mula Hunyo 3 hanggang 9.
Kinikilala ng resolusyon ang dedikasyon at talento ng mga atleta, na humantong sa pambihirang tagumpay na makuha ang 5th overall championship sa prestihiyosong regional multi-sport event, na nagsama-sama ng mga para-athletes mula sa buong Southeast Asia.
“Through your remarkable achievements, you have not only shown your remarkable abilities as athletes but have also inspired countless individuals with disabilities to pursue their dreams and break barriers. Your participation in this prestigious regional event exemplifies the true spirit of sportsmanship, camaraderie, and unity,” sabi ni Go.
Binigyan-diin sa resolusyon ang mga kahanga-hangang tagumpay ng Philippine Para Teams, na nagpakita ng katapatan at determinasyon sa buong kompetisyon.
Matagumpay na nakakuha ang bansa ng 117 medalya, na may kahanga-hangang 34 gintong medalya; 33 pilak; at 50 tansong medalya na nagdala sa bansa sa ika-5 pangkalahatang ranggo ng kampeon.
“As a nation, we are grateful for the countless hours of training and sacrifices you have made to represent the Philippines in the international arena. Your achievements serve as a beacon of hope and encouragement for others, proving that with perseverance and hard work, anything is possible,” ayon sa senador.
Hinikayat ng resolusyon ang gobyerno ng Pilipinas na ipagpatuloy ang pangako nito sa pagpapaunlad ng para-sports gayundin ang pagtaas ng pondo at suporta para sa mga para-atletes upang lalo pang mahasa ang kanilang mga kasanayan at katawanin ang bansa sa mga darating na internasyonal na kompetisyon.
