
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang probinsya ng Davao Oriental at lalawigan ng Cagayan ngayong araw.
Ayon sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ganap na alas-8:57 ng umaga nang tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Davao Oriental.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 043 km timog silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.
May lalim itong 039 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity IV sa Malita, at Santa Maria, Davao Occidental; Governor Generoso, at San Isidro, Davao Oriental.
Intensity III sa Compostela, Davao de Oro; lungsod ng Digos, at Hagonoy, Davao del Sur; Don Marcelino, at Jose Abad Santos, Davao Occidental; Glan, at Malungon, Sarangani; Tupi, South Cotabato.
Intensity II naman sa Maragusan, at Mawab, Davao de Oro; syudad ng Tagum, Davao del Norte; Kiblawan, at Santa Cruz, Davao del Sur; syudad ng Davao; lungsod ng Mati, at Tarragona, Davao Oriental; Arakan, at lungsod ng Kidapawan, Cotabato Alabel, at Malapatan, Sarangani; Tampakan, South Cotabato; Lutayan, Sultan Kudarat.
At intensity I sa lungsod ng Gingoog, Misamis Oriental; Magsaysay, Davao del Sur; syudad ng Koronadal, at Polomolok, South Cotabato; syudad ng General Santos.
Inaasahan naman ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.
Samantala, ganap namang alas-7:42 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa layong 016 km hilagang kanluran ng Claveria, Cagayan.
May lalim itong 010 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity IV sa Claveria, at Sanchez Mira, Cagayan; Pagudpud, Ilocos Norte at intensity III sa Abulug, Pamplona, at Sta Praxedes, Cagayan; Bangui, Burgos at Pasuquin, Ilocos Norte.
Intensity II naman sa Allacapan, at Ballesteros, Cagayan; Bacarra, Vintar, Paoay, lungsod ng Laoag, at lungsod ng Batac, Ilocos Norte; Luna, at Pudtol, Apayao habang intensity I sa Sinait, Ilocos Sur.
