
NI NERIO AGUAS
Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon sa Bayombong-Quezon-Bagabag Diversion Road na inaasahang magpapadali ng kilos ng mga residenteng nakatira sa malalayong lugar ng Nueva Vizcaya.
yon sa DPWH, ang proyekto ay isasagawa para magbigay ng maayos na daloy ng trapiko sa bayan ng Bayombong at Bagabag.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na base sa ulat na isinumite ni DPWH Regional 2 Director Reynaldo C. Alconcel, ang nasabing diversion road project na may habang 3.52 kilometro at 2-lane road na magiging alternatibong daanan ng mga sasakyan sa pagitan ng Bambang at Bayombong na magpapaluwag sa trapiko sa kasalukuyang main highway.
“The construction of this road will not only divert traffic along Maharlika Highway but also serve as a quick and safe way around it. The project will also greatly benefit the livelihood of residents along the traversed areas,” sabi ni Bonoan.
Nabatid na ang nasabing proyekto ay may pondong P84.3 milyon na inimplementa ng DPWH Regional Office II, kung saan sinumulan itong gawin noong May 2023 at kasalukuyang 12.72 porsiyento nang tapos.
Inaaasahan naman ng DPWH na bago matapos ang taon ay matatapos nito ang naturang road project.
