
Ni NOEL ABUEL
Makakaasa ng tulong mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Local Water Utilities Administration (LWUA) upang matugunan ang problema sa water system loss na posibleng mayroon umanong epekto sa kampanya ng gobyerno na magtipid ng tubig at maparami ang lokal na produksyon ng pagkain sa bansa
Ito ang tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos makipagpulong si LWUA chairman Ronnie Ong, isang dating kongresista, sa una noong Agosto 7 upang mahanapan ng solusyon ang halos 30 porsiyentong taunang water system loss sa mga Water Districts na nasa ilalim ng ahensya.
Bagamat ikinagulat sa dami ng nasasayang na tubig, kumpiyansa si Romualdez na masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng water supply system.
“The solution to these water service interruptions could be right under our noses. Patching up this water systems losses means more water for all at a time when El Niño remains a very serious threat to our daily convenience and food production,” ani Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara.
“In line with President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s aim of providing better service to Filipinos, I have instructed the House to look for ways to help LWUA tackle this. The ongoing deliberations of the House Committee on Appropriations on the proposed P5.768-trillion budget for 2024 is the perfect opportunity to explore solutions, including the rehabilitation of water supply systems and modernizing LWUA,” dagdag pa ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
Batay sa monitoring ng LWUA, sinabi ni Ong kay Romualdez na nasa 29.34 porsiyento ang average na nawawalang tubig sa mga water districts na nagseserbisyo sa labas ng Metro Manila.
Ayon kay Ong ito ay nasa 488 milyong metro kubiko ng tubig na mas marami pa sa kapasidad ng Angat Dam, ang pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya nito.
“We shall direct all congressmen to commit to the President’s call to conserve water by closely working with LWUA and addressing the wastage of water in their respective water districts,” ani Romualdez.
Ayon pa dito, isang malaking dagok ang nangyayaring ito sa utos ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24 na magtipid ng tubig bilang bahagi ng paghahanda sa El Niño phenomenon.
Ipinalabas din ng Punong Ehekutibo ang Memorandum Circular (MC) No. 22 noong Hunyo upang atasan ang mga tanggapan ng gobyerno na magtipid ng tubig.
Para maresolba ang non-revenue water (NRW) problem, sinabi ni Ong na mangangailangan ng mga bagong imprastraktura.
Sinabi ni Ong na ang mga water district ay walang sapat na pondo upang pondohan ang mga kinakailangang imprastraktura at tugunan ang pangangailangan na palitan ng bago ang mga ginagamit nitong metro, solusyunan ang mga iligal na koneksyon at billing error.
Kapwa naman sumang-ayon sina Romualdez at Ong na ang pagtugon sa NRW ay magkakaroon ng positibong epekto sa iba pang problemang kinakaharap ng bansa.
Dahil sa kakulangan ng pondo, sinabi ni Ong na hindi nakakapaglatag ng mga bagong tubo ang mga water district para maiwasan ang pagkasayang ng tubig.
“We must address this now dahil sa mataas na NRW, ‘di lang ang Water Districts ang talo, lalong-lalo na ang mga tao. A reduced NRW will actually mean more affordable water (because of lesser production costs) and lesser water supply interruptions. The President is indeed right in saying that we must rehabilitate or improve our water supply systems and we must do this in an urgent and efficient manner across all Water districts,” giit ni Ong.
Ayon sa LWUA, nasa 244 ang water district sa bansa na ang NRW rate ay hindi lalagpas ng 21 porsiyento, nasa 20 naman ang water district na ang NRW rate ay nasa pagitan ng 48 hanggang 71 porsiyento.
“Solving the NRW will have an impact on food security as well, since reduced water system losses would mean that we won’t have to spread our water resources to thinly to the detriment of farmers, livestock, and other food producing industries,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ang LWUA ay isang ahensya ng gobyerno na ang pangunahing trabaho ay ang mga water supply project. Ito ay nangangasiwa sa mahigit 532 water districts na nagsusuplay ng tubig sa mga siyudad at probinsya sa labas ng Metro Manila.
