Buhay ng mga Cebuanos uunlad — Rep. Frasco

Ni NOEL ABUEL
Isang state-of-the-art seabuses ang nakatakdang bumiyahe mula sa Lapu-Lapu City, Mactan patungong Liloan’s Pier 88 Port simula sa Agosto15 ng taong kasalukuyan.
Ito ang sinabi ni Cebu Rep. Duke Frasco base sa paliwanag ng operator ng Seabus mula Mactan Wharf hanggang Pier 88, na Topline, na nagsagawa ng dry run voyage.

Sinasabing ito ang unang pagkakataon na binuksan sa publiko ang biyahe sa karagatan sa pagitan ng ñ Mactan Island at ng hilagang bahagi ng Cebu.
Noong Mayo, pinasinayaan nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Bise Presidente Sara Duterte ang Liloan Pier 88, ang unang smart port sa bansa.
Na-conceptualize noong 2015 sa panahon ni Frasco bilang alkalde ng Liloan, sinimulan ang pagtatayo ng daungan sa termino ngayon ni Tourism Secretary Christina Frasco bilang dating alkalde, at sa wakas ay binuksan ngayong taon.
“The fulfillment of this eight-year long dream project is made more meaningful with the addition of the Seabuses to the routes provided by Liloan’s Pier 88 as it will greatly ease commuter woes, decongest traffic, save time and money, and uplift the quality of life for Liloan, Consolacion, Compostela, and Danao City, and other areas in the North of Cebu,” pahayag pa ng kongresista.
Ayon pa kay Frasco, ang direktang ruta ng Pier 88 sa Mactan Island ay “a game changer” para sa mga commuters mula sa North of Cebu, partikular sa Liloan, Consolacion, Compostela, at Danao City, na nagpapababa sa oras ng paglalakbay mula sa average na 1 hanggang 2 oras hanggang 30 hanggang 45 minuto na lamang.
Ang pamasahe para sa Seabus ay magsisimula sa promo rate na Php 35, kung saan ang bawat Seabus ay maaaring mag-accommodate ng hanggang 150 pasahero.

Why not roro from city down south so we can avoid long travel w our cars and lessen congestions. Probably even ambulance can get faster
LikeLike