
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat kanilang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa datos, dakong alas-3:05 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 4.2 na lindol.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 156 km timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat.
May lalim itong 520 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
