P88.4 M flood control project sa Gabaldon, Nueva Ecija tinapos na ng DPWH

default

NI NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nito ang konstruksyon ng flood control project sa kahabaan ng Coronel River na naglalayong masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa Gabaldon, Nueva Ecija tuwing tag-ulan.

Sa ulat na tinanggap ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan kay DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino, ang 846-lineal-meter, six (6)-layer, gabion-type flood wall structure ay itinayo sa Barangay Bugnan Section ng Coronel River.

Ang naturang flood wall ay magbibigay proteksyon sa buhay at ari-arian ng mga residente ng nasabing lugar sa panahon ng tag-ulan.

Idinagdag pa ni Bonoan na ang istruktura ay magbibigay ng suporta  sa mga pananim ng  mga magsasaka upang maiwasan ang pagkasira ng mga tanim at ng mga livestock na makakadagdag sa food security at mapabuti ang agricultural economies ng naturang lalawigan.

Inimplementa ng DPWH Nueva Ecija 2nd District Engineering Office (DEO), ang konstruksyon ng flood wall ay natapos gamit ang P88.4 milyong pondo mula sa Flood Management Program ng DPWH sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Leave a comment