Pag-ban sa land reclamation projects sa buong bansa ipinanawagan kay PBBM ng Simbahang Katoliko

Bishop Jose Colin Bagaforo

NI NERIO AGUAS

Nanawagan ang Simbahang Katoliko kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipatigil at i-ban ang lahat ng land reclamation projects sa buong bansa.

Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines, ang nasabing proyekto ay hindi nakakatulong at wala sa interes ng mga Filipino.

 “We call on President Marcos to issue an executive order banning all reclamation projects, not only in Manila Bay but across the country,” sabi ni Bagaforo.

“Reclamation projects displace fisherfolks and coastal urban communities, destroy coastal ecosystems, and contribute to food insecurity,” dagdag nito.

Ang apela ng obispo ay kasunod ng naging utos ni Pangulong Marcos na pansamantalang ipatigil ang 22 pangunahing land reclamation works sa Manila Bay upang pag-aralan ang epekto nito kalikasan at sa taumbayan.

Sinabi pa nito na ang pagsulpot ng  mga reclamation projects sa bansa partikular sa Manila Bay sa mga nakalipas na taon ay bumuo ng mas mas maraming urban spaces para sa komersiyo  at  industrial development.

Ayon pa kay Bagaforo, sa halip na umasa sa reclamation projects, dapat na mag-invest ang pamahalaan sa “sustainable development’ na mapapakinabangan ng lahat ng Filipino hindi lang ng mga mayayamang indibiduwal.         

Leave a comment