
Ni NOEL ABUEL
Ipinahayag ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang tauspusong paghanga at suporta sa Philippine Accessible Disability Services (Pads) Paradragon Elite Team para sa kanilang tagumpay sa 16th International Dragon Boat Federation (IDBF) World Dragon Boat Racing Championships na ginanap sa Rayong-Pattaya, Thailand mula Agosto 7 hanggang 13.
Ang Cebu-based dragon boat team ay nag-uwi ng anim na gold medals, na nilagpasan ang dating record nito na apat na gintong medalya noong 2019.
“I am immensely proud of our Paradragon Elite Team for representing our country with honor and courage. Despite the challenges, you show the world the true strength of the Filipino spirit. Proud po kaming lahat sa inyong tagumpay,” sabi ni Go.
Ayon pa kay Go, chairperson ng Senate Committee on Sports, naging masugid itong tagapagtaguyod ng pagpapaunlad ng palakasan, partikular na para sa mga differently-abled athletes.
Ang hindi natitinag na pangako ng senador ay nakapaloob sa inihain nitong Senate Bill No. (SBN) 2116, na naglalayong amiyendahan ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act” upang magbigay ng mas mataas na insentibo para sa mga para-atletes.
“Through the years, we have witnessed how the Filipino athletes stand out in various international sports competitions, such as the Southeast Asian Games, the Asian Games, para games, world championships, and Olympics,” sabi pa ni Go.
Sa SBN 2116 nilalayon nito na naglalayong i-upgrade ang mga insentibo para sa mga para athletes na maging kapantay ng iba pang internasyonal na kompetisyon ng parehong kalibre.
Ang panukalang batas na ito ay naglalayon na magbigay ng pantay na pagkakataon at pagkilala sa lahat ng mga atleta, sa gayon ay nagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakaiba-iba sa paligsahan.
