Ilocos Norte at Abra nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte at Abra ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa datos, dakong alas-11:01 ng umaga nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol na may lalim na 003 km.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 002 km timog silangan ng Nueva Era, Ilocos Norte at tectonic ang origin.

 Naitala ang intensity IV sa Lagayan, at Lacub, Abra habang intensity III sa Dolores, Abra.

Intensity II naman sa  Bucay, Abra at intensity I sa Tayum, Abra.

Leave a comment