
Ni NOEL ABUEL
Pinasinayaan ni Tingog party list Rep. Jude A. Acidre ang kauna-unahang campus na Eastern Samar State University (ESSU) sa Balangiga, Eastern Samar na makakatulong para maraming estudyante ang makatapos ng pag-aaral.
Kasama ni Acidre na naging saksi sa pagbubukas ng nasabing paaralan sina Eastern Samar Governor Ben P. Everdone, Vice Governor Maricar Sison-Gotesaan, Balangiga Mayor Atty. Dana Flynch de Lira, Vice Mayor Danny Virgil B. Ablay at ESSU president Dr. Andres C. Pagatpatan Jr..
“Han diri pa ako Congressman, nagcocompare notes kami ni Dana. Dana, paghimo kita hin ESSU Balangiga. Malaksi huna hunaon kay tigsiring pa man la. We were all hoping that the day will come and we are finally here, we are very happy and very proud that this project of having our own campus here in Balangiga is finally realized,” sa pahayag ni Acidre
(When I was running as a Congressman, I used to compare notes with Dana. I told her, “Dana, let’s establish ESSU Balangiga”. it was so easy to say because, of course, we were only candidates back then…)
Sinasabing ang naturang said campus ay minsang naging pangarap ni Acidre at Mayor De Lina na ngayo’y natupad.
“Tuod gud man, basta nagbuburublig, waray imposible,“ sabi ni Mayor De Lira.
(It’s true, nothing is impossible when you do things together).
Nabatid na ang ESSU Balangiga Campus ang kauna-unahang college institution sa nasabing bayan na dagdag din sa anim pang campuses na matatagpuan sa mga bayan ng Borongan, Can-avid, Guiuan, Maydolong, Salcedo at Arteche.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang itong apat na guro ngunit inihayag ni Pagatpatan Jr. na ang plano nitong kumuha ng karagdagang mga guro at kawani sa mga susunod na araw upang makumpleto ang mga guro ng campus.
