
Ni NERIO AGUAS
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng P72.3 milyong oval track na maaaring gamitin para sa mga pangunahing sporting event sa lalawigan ng Taytay, Rizal.
Ayon kay DPWH Region IV-A Director Jovel G. Mendoza, kasama sa proyekto ang paglalagay ng 8,510 square meters ng artificial grass para sa football field at paunang konstruksyon ng 59.5-meter road network para sa alignment 1 at 116 meters para sa alignment 2.
“Other works include mobilization, earthworks, installation of sheet piles, concreting of pile cups, hand-laid rock embankments, embankments from borrow, and demobilization,” sabi ng opisyal.
Ang oval track ay bahagi ng 69,300 square meter Taytay Sports Complex Project ay matatagpuan sa Barangay Muzon, na nagtatampok din ng isang multi-purpose building, stadium bleachers, at isang olympic sized pool.
Kapag natapos na, ang pasilidad ay magsisilbing bagong sporting event venue sa CALABARZON na maghahanap ng mga talento ng mga Rizaleño at magpapalakas ng moral ng mga atletang Pilipino.
