
NI MJ SULLIVAN
Naitala ang ilang malalakas na pagyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, unang tumama ang magnitude 4.2 dakong alas-2:38 ng madaling-araw na ang sentro ay nasa layong 189 km timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 089 km at tectonic ang origin.
Sumunod namang naitala ang magnitude 3.4 dakong alas-2:51 ng madaling-araw sa layong 123 km timog silangan din ng Sarangani Island, sa munisipalidad ng Sarangani, ng nasabing probinsya.
Nakita ang lalim nito sa layong 084 km at tectonic din ang origin.
Ganap namang alas-5:55 ng madaling-araw nang tumama ang ikatlong pagyanig kung saan naitala ang magnitude 3.7 sa layong 299 km timog silangan ng Balut Island, ng naturan ding lugar.
Wala namang naitalang danyos ang Phivolcs sa magkakasunod na paglindol sa Davao Occidental.
