
Ni NOEL ABUEL
Tinitiyak ni Senador Sonny Angara na sisikapin nito at hihingin ang tulong ng mga kapwa senador para taasan ang pondo para sa edukasyon at kalusugan sa pinal na bersyon ng 2024 national budget.
Ito ang sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, na susuri sa panukalang P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024.
Aniya, sa kanyang karanasan sa huling apat na General Appropriations Acts (GAA) ay nagpakita ng pare-parehong suporta para sa sektor ng edukasyon at kalusugan mula sa Kongreso.
Sinabi pa ng senador na kung titingnan ang 2024 National Expenditure Program (NEP) o ang pambansang badyet na iminungkahi ng Malacañang, tiyak na magkakaroon ng pagbabawas mula sa pondo ng ilang departamento, ahensya at tanggapan dahil sa non-recurring expenses.
“This is primarily because of non-recurring expenses. These include infrastructure projects that are already implemented in the current year so the amounts for these are removed for next year’s budget proposals,” sabi ni Angara.
“But these budgets usually go up by the time we have gone through the budget process in the House and Senate,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng 2023 GAA, ang mga specialty hospital na pinamamahalaan ng Department of Health (DOH) katulad ng Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center at Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care ay binigyan ng halos P7 bilyon.
Ito aniya ay pagtaas ng P1.1 bilyon mula sa P5.8 bilyon na kanilang natanggap noong 2022 at pagtaas ng P2 bilyon mula sa P4.9 bilyon na iminungkahi ng Executive branch noong 2023 NEP.
Ganito rin ang nangyari sa pondo ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP), na ayon kay Angara ay patuloy na dinagdagan ng Kongreso.
Sa 2024 NEP, ang MAIP ay binigyan ng panukalang pondo na P22.3 bilyon, na mababa mula sa P32.6 bilyon sa ilalim ng 2023 GAA.
Sinabi pa ni Angara na ang 2023 NEP ay naglalaman lamang ng P22.39 bilyon para sa MAIP ngunit sa pamamagitan ng mga interbensyon ng mga miyembro ng Kongreso, ang programa ay nauwi sa pinal na halaga na P32.6 bilyon.
“The increases in the budgets of the specialty hospitals, the MAIP and the health sector in general would benefit millions of Filipinos, especially the poor, for their medical and health care requirements. The budget for MAIP has increased annually from P9.4 billion in 2019 to P10.5 billion in 2020, P17 billion in 2021, P21.4 billion in 2022, and P32.6 billion in 2023. We expect a similar increase in the program in the final version of the 2024 budget,” paliwanag pa ni Angara.
Sa kaso ng edukasyon, sinabi ni Angara na inaasahan din ang mga pagtaas sa NEP, partikular sa pondo ng mga state universities and colleges kabilang ang University of the Philippines system.
“For three straight years we have seen increases in the budgets of the SUCs. From P73.7 billion in 2020, this went up to P85.9 billion in 2021, P104.17 billion in 2022 and P107 billion in 2023. Similar to the health sector, we also expect increases in the budgets of the SUCs and UP once Congress is done deliberating on the 2024 NEP,” pagtitiyak pa ni Angara.
Sinabi ni Angara na wala itong nakikitang dahilan para mag-alala sa pagbawas sa panukalang 2024 budget ng UP sa NEP dahil ito ay maitutuwid at madaragdagan sa pagdating ng Disyembre sa panahon ng budgetary process.
