
Ni NERIO AGUAS
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkongkreto ng isang kalsadang pakikinabangan ng mga magsasaka sa Diplahan, Zamboanga Sibugay.
Sinabi ni DPWH Region 9 Director Cayamombao D. Dia na ang bagong sementadong kalsada ay nagpapababa sa oras ng paglalakbay sa 15 hanggang 20 minuto na lamang at magpapadali sa transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura sa mga kalapit na pamilihan.
Mula sa Barangay Kauswagan hanggang Barangay Gaulan, ang 6.6-kilometrong road project ay pakikinabangan ng mga lokal na komunidad, lalo na sa mga magsasaka ng goma at niyog.
“By facilitating the ease of transport of their products to local markets, the government has demonstrated its commitment to promoting and fostering the interests of the local coconut and rubber industries,” ayon kay Dia.
Ipinatupad ng DPWH Zamboanga Sibugay 1st District Engineering Office ang proyekto na nagkakahalaga ng P75 milyon.
