64 counts ng katiwalian, 7 kaso ng malversation isinampa

Ni KAREN SAN MIGUEL
Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng parusang pagtanggal sa tungkulin ang alkalde ng Mexico, Pampanga kasunod ng pagsasampa ng 64 kaso ng katiwalian at 7 malversation of public documents.
Ang kaso ang nag-ugat sa maanomalyang pagbili ng base course o paving materials sa isang supplier noong 2009 at 2010 ni Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang.
Kasama rin sa pinatawan ng 71 kasong kriminal sina municipal Bids and Awards Committee (BAC) chairman Marlon Maniacup, BAC members Lucila Agento, Jesus Punzalan, Luz Bondoc, at Romeo Razo, at ang pribadong respondent at negosyanteng si William Colis may-ari ng Buyu Trading and Construction, na sangkot sa transaksyon na inimbestigahan ng Ombudsman sa alegasyon ng kurapsyon.
Kasama ni Tumang, na napatunayang guilty sa kasong grave misconduct at sinibak sa government service with perpetual disqualification and forfeiture of benefits sina Punzalan, Bondoc, at municipal accountant Perlita Lagman.
Si Lagman, na non-member ng BAC, ay sinampahan ng 23 kaso ng graft at 7 counts ng malversation of public funds.
Ang lahat ng kasong kriminal ay isasampa sa regional trial court (RTC) dahil wala sa mga transaksyon ang lumampas sa halaga ng threshold na P1 milyon na maglalagay sa mga kaso sa ilalim ng eksklusibong hurisdiksyon ng Sandiganbayan.
Sinabi ng panel ng mga graft investigators na nakakita ito ng probable cause para ihain ang lahat ng 71 kaso batay sa manifest partiality na ipinakita sa Buyu Trading, na nakakuha ng lahat ng mga kontrata ng supply kahit na may ilang iba pang kumpanya na na-canvass para sa pagbili.
Itinuro rin nito na ang paraan ng alternatibong paraan ng pagbili sa pamamagitan ng pamimili ay hindi regular sa kawalan ng mga kondisyong nakasaad sa ilalim ng RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act and its Implementing Rules and Regulation nito tulad ng mga emergency na kumakatawan sa mga banta na maaaring magresulta sa pagkawala ng buhay o ari-arian.
“The law requires an unforeseen contingency before recourse to shopping, an alternative mode of procurement, may be done. Public respondents failed to show that, at the time the subject base coarse and other materials were procured, unforeseen contingencies existed,” ayon sa Ombudsman.
Sa isinagawang onsite inspection ng Fraud Audit and Investigation Office ng Commission on Audit (COA), natuklasan na ang business address na isinumite ng Buyu Trading at nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) ay residential property at walang ebidensya na nagbebenta ito ng mga construction materials.
“COA also noted that from 2007 to 2010, 271 transactions were awarded solely to Buyu notwithstanding the participation of other dealers,” sabi pa ng Ombudsman.
Sa hiwalay na 17-page decision, pinatawan din ang mga respondent municipal officials ng guilty sa maling gawain ng mga ito na senyales na nagkaroon ng katiwalian.
“Respondents’ actions are wrongful and motivated by an intentional purpose of giving favor or benefit to Buyu notwithstanding its questionable capacity as supplier, to the injury of the government in the aggregate amount of the procurements,” ayon pa sa anti-graft court.
Kung ang sinuman sa mga respondents ay wala na sa serbisyo ng gobyerno dahil sa pagreretiro o pagbibitiw sa tungkulin ang parusa ng dismissal ay dapat gawing multa na katumbas ng isang taong suweldo.
Inatasan ng Ombudsman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatupad kaagad ang desisyon ng dismissal at ipaalam sa Ombudsman ang anumang aksyon kaugnay ng pagpapatupad nito.
