Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.5 at magnitude 4.1

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol at aftershocks ang lalawigan ng Davao Occidental kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ganap na ala-1:59 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 5.5 na natukoy sa layong 214 km timog silangan ng Balut Island, sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 015 km at tectonic origin.

Naramdaman sa instrumental intensities ang intensity I sa Tupi, South Cotabato; Malungon at Kiamba, Sarangani.

Una nito, niyanig na rin ng magnitude 4.1 ang nasabing lalawigan dakong ala-1:51 ng madaling-araw.

Nakita ang sentro nito sa layong 358 km timog silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental at may lalim na 070 km at tectonic ang origin.

Wala namang naiulat na danyos ang nasabing dalawang paglindol.  

Leave a comment