7 kalsada nananatiling sarado dahil sa bagyong Goring

Ni NERIO AGUAS

Nananatiling sarado ang 7 kalsada sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley Region at Western Visayas dahil sa epekto ng bagyong Goring.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hanggang tanghali ngayong Miyerkules, Agosto 30, 2023, pitong national road section ang nananatiling hindi madaanan dahil sa bagyong Goring na nagdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, pagguho ng dalisdis, pagkaputol ng kalsada, at pagkasira ng tulay sa nasabing mga lugar.

Nagawa ng DPWH na linisin at muling buksan ang 11 apektadong kalsada ngunit ginagawa pa rin ang mga sumusunod na saradong seksyon ng kalsada:

CAR

Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Brgy. Ferdinand, Calanasan (Bayag), Apayao dahil sa landslide;

Kennon Road sa Camp One, Tuba, Benguet bilang precautionary measure;

Dantay Sagada Road, Brgy. Antadao, Sagada, Mt.Province dahil sa roadcut/collapsed pavement;

Baguio-Bontoc Road, Brgy. Sinto, Bauko, Mt.Province dahil din sa roadcut/collapsed pavement, rock/slope collapse;

Region 1

Roxas Bridge, Vigan-San Vicente Road, Ilocos Sur dahil sa pagkasira ng tulay.

Region 2

Gadu-Carilucud Nabbotuan-Palao-Macutay Road, Carilucud Detour Bridge, Solana, Cagayan dahil sa washed out detour road;

Region 6

Iloilo-Antique Road, Brgy. Igbucagay, Hamtic, Antique dahil sa road depression/sinking.

Ang ilang mga kalsada na may limitadong daan ay natukoy rin sa CAR, Rehiyon 1, at 4A bilang mga sumusunod:

Jct Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road sa Bry. Sta. Isabel, Natonin, Mt.Province, kung saan one lane passable ang maaaring dumaan na pawang mga light vehicles lamang dahil sa soil collapse;

Vigan Bridge 1 at 2 sa kahabaan ng Bantay-Vigan Road sa Brgy. 1, Vigan City, Ilocos Sur, na one lane passable sa light vehicles dahil din sa nasirang kalsada at tulay.

Pias – Currimao – Balaccad Road K0470+(-050) – K0470+050, Ilocos Norte na passable sa heavy vehicles dahil sa pagbaha;

Batac – Espiritu (Banna) Road, K0471+100, Ilocos Norte, at ang Laoag-Sarrat-Piddig-Solsona Road, K0513+350 – K0513+700, Ilocos Norte; Pinili – Nueva Era Road, K0461+150, Ilocos Norte na passable sa mga heavy vehicles dahil sa pagbaha;

Nasugbu-Lian-Calatagan Road, Brgy. Putting Kahoy, Lian, Batangas, one lane passable sa mga light vehicles.

Inatasan ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan ang mga kinauukulang regional at district engineering office na pabilisin ang mga hakbang at clearing operations para sa agarang muling pagbubukas ng mga bahagi ng kalsada na naapektuhan ng bagyo.

Leave a comment