COA sinita ang BTr sa P5-M grocery package sa JOs at regional office

Ni KAREN SAN MIGUEL

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang P5.245 milyon na ginastos ng Bureau of the Treasury sa mga grocery packages para sa mga job order (JO) at mga empleyado ng regional office noong Enero ng taong ito.

Ayon sa state auditors, natuklasan na ang paggastos ay walang kinakailangang paunang pag-apruba ng Office of the President.

Tinawag ng COA ang transaksyon bilang “unauthorized personnel benefit” na tinukoy ang Presidential Decree No. 1597 na ginawang mandatory ang Presidential imprimatur.

Sinabi ng COA na ang paggastos sa kabila ng kawalan ng wastong awtorisasyon ay hindi kinakailangan at tumaas ang gastos ng ahensya para sa taon.

Ang pondo para sa paggamit ay pinayagan ng Deputy Treasurer of the Philippines (DTOP) para sa regional offices na naglipat ng P5.7 milyon sa Modified Disbursement System (MDS) accounts ng mga regional offices.

“Review of the DVs (disbursement vouchers) showed that various grocery items were procured, using the transferred fund and given to each employee and job order personnel of the ROs at a cost of P13,205.20 to P14,999.96 per pack,” sabi ng audit team.

Sa records na nakalap ng state auditors, nagpapakita ang Regional Office 1 ay nakatanggap ng P539,208; ang RO 2 ay P404.437; RO 3 ay P434,818; RO 4A ay P419,917; RO 4B ay P389,999; RO 5 ay P473, 513; RO 6 ay P409,361; RO 7 ay P359, 319; RO 8 (not given); RO 9 at P403,852; RO 10 ay P344,993; RO 11 ay P369,107; RO ay 12 P416,157; at RO 13 ay nasa P279,992.

Ang Central Office at ang National Capital Region (NCR) Office ay gumastos din ng kabuuang P5.2 milyon para sa nanalong bidder noong Disyembre 29, 2022.

“Delivery of the grocery items was completed on January 25, 2023. As of May 31, 2023, these transactions have yet to be recognized in the books,” ayon sa COA.

Ang paggastos ng BTr ay nakabatay umano sa isang memorandum noong Disyembre 5, 2022 ng kalihim ng Department of Finance (DOF) na nag-aapruba sa kahilingan ng BTr na gantimpalaan ang mga empleyado para sa hindi natukoy na tagumpay ng ahensya sa Fiscal Year 2022.

Bagama’t kinikilala ang pagsusumikap ng mga empleyado ng BTr sa taon, sinabi ng COA na ang paggastos ng mga grocery package ay hindi sumunod sa mga alituntunin.

“The memorandum issued by the (DOF) Secretary is not sufficient authority for the disbursements as the President’s approval is explicitly required under Section 5 of PD 1597,” ayon sa COA.

Natuklasan pa ng mga auditor na lumampas ang grocery package sa grant ng grocery package.

Habang inaprubahan ng Administrative Order No. 2 ang pamimigay ng isang 25-kilogram na sako ng bigas bawat empleyado, ang aktwal na ipinamahagi ay 4 apat na 25-kg na sako ng bigas.

Inatasan ng COA ang pamunuan ng BTr na magsumite ng legal na awtoridad mula sa Office of the President para sa pamamahagi ng grocery na may paalala na ihinto ang pagbibigay ng mas maraming benepisyo nang walang paunang pag-apruba ng Chief Executive.

Leave a comment