
NI MJ SULLIVAN
Asahan pa ring makakanaras ng malakas na pag-ulan at hangin ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa bunsod ng hanging habagat na pinakalakas pa ng Super Typhoon Goring na nakalabas na ng bansa at ng bagyong Hanna at isa pang low pressure area.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maliban sa National Capital Region (NCR) ay makakaranas din ng masamang panahon ngayong araw hanggang bukas ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at ang hilagang bahagi ng Eastern Visayas.
Sa araw ng Sabado, malalakas na hangin at pag-ulan pa rin ang mararanasan ng mga residente ng Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, hilagang bahagi ng Eastern Visayas.
Sa pinakahuling ulat, nakita ang bagyong Hanna sa layong 1,160 km silangan ng dulong bahagi ng Northern Luzon at kumikilos ng 10 km/h taglay ang malakas na hangin na 100 km/h malapit sa gitna at pagbugso na nasa 135 km/h.
Ang Tropical Storm Kirogi ay kasalukuyan pang nasa labas ng PAR na hihila rin sa hanging habagat na magdadala ng malalakas na ulan at hangin sa bansa.
Ngayong araw, maraming lungsod sa Metro Manila ang nagkansela ng pasok sa eskuwelahan at sa trabaho sa mga ahensya ng pamahalaan dahil sa naranasang malakas na pag-ulan na pagbaha.
