Super friends sa COA bantay-salakay sa pondo ng bayan?

MARAMING tanong keysa sagot kung tapat ang ating mga opisyales sa Commission on Audit (COA) sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Ilan sa mga katanungan na dapat mabatid ng taumbayan na tamang kasagutan ay kung sino ang mga taong bayad na ang sahod pero nangungulimbat pa rin sa pondo ng gobyerno na sila dapat ang magprotekta.

Mga tanong sa kumakalat na alingasngas tungkol sa tinatawag na “Super Friends” sa loob ng COA, na sila dapat ang taga-bantay sa pera ng taumbayan.

Sino si Superman sa loob ng COA? Sino si Super Cat? Sino si Super Boy? Sino si Batman at Robin?

Isa sa COA ‘Super Friends’ ay kilalang tirador ng mga kontrata sa gobyerno gamit ang iba’t ibang construction companies ng kanyang ex-girlfriend na nagmula sa mahirap na pamilya sa isang malayong probinsiya.

Itanong natin sa mismong bossing ng COA kung alam n’yang naghakot ng higit bilyong pisong government contracts mula sa ilang national government agencies at LGUs itong isang Super Friend.

Ano naman ang kapalit ng pagbigay ng gov’t projects sa nasabing Super Friend?

Siyempre pa, luluwagan ng kanyang mga piling auditors ang pagbusisi ng mga libro ng gastusin o pondo ng mga “friendly” at mapagbigay na ahensiya ng gobyerno, lokal man o nasyunal.

***

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674.

Leave a comment