Surigao del Norte nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang probinsya ng Surigao del Norte, ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa datos, dakong alas-3:24 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Burgos, ng nasabing lalawigan.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 059 km hilagang silangan ng Burgos, Surigao Del Norte at may lalim na 002 km at tectonic ang origin.

Wala namang naging epekto ang nasabing paglindol at wala ring inaasahang magkakaroon ng aftershock sa mga susunod na araw.

Leave a comment