3 illegal aliens kalabaso ng BI

Ni NERIO AGUAS

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga dayuhan na kinabibilangan ng isang Thai national at dalawang Chinese nationals na kasalukuyang nakadetine sa BI jail facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nabatid na unang nadakip noong Agosto 31 ang Thai national na si Teerasade Phutthichotiruksa, 43-anyos, na nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagsakay sa Thai Airways flight pabalik ng Bangkok, Thailand.

Ayon sa BI, nakuhanan ng pekeng stamps sa pasaporte si Phutthichotiruksa nang dumaan ito sa immigration counter sa NAIA Terminal 3.

“This case underscores the importance of our immigration officers’ vigilance and expertise in detecting fake documents. Our officers are trained to spot irregularities will arrest foreign nationals who attempt to use fraud to be able to travel,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Samantala nadakip naman sa magkahiwalay na insidente ang dalawang Chinese nationals noong kahapon, Setyembre 1.

Kinilala ang isa sa Chinese national na si Chen Changdian, 32-anyos, na nakatakda sanang sumakay sa Scoot Airlines patungo sa Singapore sa NAIA Terminal 3.

Napag-alaman na ang pangalan ni Chen ay nasa database ng BI ng may derogatory records kung saan nahaharap ito sa interpol red notice dahil sa pagiging wanted sa United Arab Emirates sa kasong pagpatay noong 2022.

Ito ay iniulat na dumating noong Mayo 2022, at na-tag lamang bilang isang takas noong Nobyembre ng parehong taon.

Sa parehong petsa, isang babaeng Chinese ang inaresto sa NAIA Terminal 1 matapos tangkaing lumipad patungong Bangkok sakay ng flight ng Philippine airlines.

Nakilala ito na si Lyu Yani, 30-anyos, na natuklasang nasa interpol’s list dahil sa pagiging wanted criminal sa kasong pagpapatakbo ng gambling house.

Leave a comment