BI magluluwag sa bagong panuntunan para sa mga Pinoy na may foreign partners

Ni NERIO AGUAS

Magpapalabas ng pinakabagong patakaran ang Bureau of Immigration (BI) base sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) na nagpapababa ng mga kinakailangang dokumento sa pag-alis para sa mga Pinoy na may mga foreign partner.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na base sa sulat na ipinadala ni CFO chairperson Romulo Arugay noong Agosto 31, ang mga Filipino fiancés, spouses, ng mga dayuhan na may hawak na holding tourist visas ay hindi na oobligahin na sumailalim sa CFO guidance and counseling program (GCP).

Ang GCP ay una nang kinakailangan para sa mga Pilipinong may mga foreign partners na aalis ng bansa upang maikasal sa ibang bansa.

Kinumpirma ng CFO na sa pinakahuling impormasyon ay binawasan na ang ang mga kinakailangang requirements sa mga aalis na Pilipino.

Sinabi ni Tansingco na ang bagong panuntunan ay ipinadala na sa mga opisyal ng BI sa buong bansa, at ang 2023 Revised guidelines on departure formalities na inilabas ng IACAT, na pagpapatupad ay pansamantalang nasuspende.

“The Inter-agency is committed to continuously review departure requirements for departing Filipinos to adapt to current trends,” sabi ni Tansingco.

“The BI, as an implementing agency, is ready to implement changes in departure guidelines, as deemed fit by members of the inter-agency,” dagdag nito.

Leave a comment