
Ni NOEL ABUEL
Patuloy na makikipag-usap si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga lider ng rice retailers para talakayin ang kanilang pangamba na ang rice price ceiling na iniutos ng Palasyo noong Biyernes ay magpapalugi sa mga ito.
“Hindi naman manhid ang gobyerno kaya we want to listen to their concern and we will try to find a solution doon sa pangamba nila na malulugi sila,” ayon sa lider ng 311 miyembro ng Kamara.
“I-address natin iyung sinasabi nilang mataas na ang kuha nila sa traders. Pero syempre priority natin ang sambayanan na hirap na makabili ng bigas,” ani Romualdez.
Isang opsyon na tinitingnan ng pinuno ng Kamara ay ang pagbibigay ng ayuda o tulong sa mga retailers na maaapektuhan ng Executive Order (EO) 39, na nagpapababa sa presyo ng bigas.
“We have to talk to them to come up with a win-win solution wherein they won’t be adversely affected by the price ceiling,” aniya pa.
Nauna rito, iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa pamamagitan ng EO 39 ang price cap na P41.00 kada kilo para sa regular milled rice, habang ang well-milled rice ay magkakaroon ng price cap na P45.00 kada kilo.
Inirereklamo ito ng mga retailers mula nang makuha nila ang kanilang mga produkto ng bigas sa halos P50 kada kilo mula sa mga negosyante.
“Hindi naman kasi pwede na di sila sumunod sa utos ng Palasyo kasi bukod sa penalty, the government can file criminal cases sa mga hindi susunod sa price ceiling na ito,” ayon pa kay Romualdez.
“But definitely, the government will help our retailers affected by this EO,” sabi nito.
Noong nakaraang Biyernes, binalaan ni Romualdez ang mga walang tiwaling mangangalakal ng bigas na ang Kamara ay hindi tumitigil sa paglaban nito sa mga rice hoarders at smugglers at gagawin ang lahat para matulungan si Pangulong Marcos na mapababa ang presyo ng bigas sa makatwirang antas.
Nabuo ito matapos makipagpulong si Romualdez, kasama ang iba pang mambabatas, sa mga kinatawan ng non-government organization (NGO) Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM) sa Manila Golf and Country Club.
Nauna rito, naglabas ng pahayag ang buong Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunguna ni Romualdez na sumusuporta sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos na nagpataw ng price ceiling sa bigas.
“If you want to be part of the solution, you are with us, we will help you, we’re going to support you. But if you’re part of the problem, we will root you out,” sabi ni Romualdez sa harap ng mga kinatawan ng PRISM.
Seryoso aniya ang Kamara sa pagsuporta sa layunin ng Pangulo na patatagin ang presyo ng bigas at ang pangmatagalang pananaw ng Punong Ehekutibo sa pagkamit ng rice self-sufficiency para sa bansa.
“We won’t stop until the President is successful in achieving his targets. We’re very serious about it. And we’re not gonna stop here in Luzon, we’ll go to Visayas and Mindanao. We’re gonna hit every region,” sa pahayag ni Romualdez na tinukoy ang nakalipas na pagsalakay ng Kamara at Bureau of Customs (BOC) sa ilang rice warehouses sa Bulacan.
“If we find out that people are importing and hoarding and profiteering, we’re going to raid. And Customs will just seize it and give it to DSWD, to Kadiwa, to the DA for sale at a much lower price point,” ayon pa dito.
