
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang probinsya ng Davao Occidental kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-2:15 ng madaling-araw na tumama ang magnitude 4.7 na lindol na ang sentro ay nasa layong 072 km timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 104 km at tectonic ang origin.
Wala namang naging epekto ang nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershock sa mga susunod na araw o oras.
