
NI MJ SULLIVAN
Nagpalabas ng babala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa inaasahang malakas na pag-ulan sa Metro Manila partikular sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) at Quezon City.
Nakataas ang yellow warning sa nasabing mga syudad kasama ang lalawigan ng Zambales, Tarlac, Bataan, Pampanga, at Bulacan.
Asahan ang pagkakaroon ng pagbaha sa mga mabababang lugar dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan na magtatagal ng 3-oras.
Samantala, asahan naman ang light to moderate na may kasamang kalat-kalat na malalakas na pag-ulan sa Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon sa susunod na 3-oras.
Light to moderate na may kasamang malalakas na pag-ulan din ang makakaapekto sa Rizal at nalalabong bahagi ng Metro Manila.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at ang Disaster Risk Reduction and Management Offices na mag-monitor sa weather condition at hintayin ang susunod na advisory na ilalabas ganap na alas-8:00 ng gabi.
