P56K cash naiwan sa NAIA

Ni NERIO AGUAS

Isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nagsoli ng nawawalang sobre na naglalaman ng higit sa P56K cash sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon sa ulat, tumanggap na pagkilala at papuri si Immigration Officer III Vincent S. Estacio sa isinagawang flag raising ceremony sa Manila International Airport Authority (MIAA) sa Pasay City.

Nakatanggap si Estacio ng citation sa pagbabalik ng isang brown na sobre na naglalaman ng kabuuang P56,871.00 noong Agosto 14.

Ayon kay Estacio, bilang isang duty supervisor sa NAIA 3 ay nagsasagawa ng pag-iikot sa paliparan nang aksidenteng makita ang isang sobre sa departure area na naglalaman ng pera.

Sinabi nito na ang sobre ay natagpuan sa sahig sa pagitan ng dalawang counter, at tila naiwan ng isang paalis na pasahero kung saan tinangka nitong hintayin ang nakaiwan nito.

“Naawa ako sa may-ari kasi naisip ko na baka panggastos niya ito sa pag biyahe niya abroad,” sabi nito.

Makalipas ang ilang oras ay walang bumalik na pasahero na nakaiwan ng sobre kung kaya’t agad na dinala na lang ito sa MIAA lost and found.

“The office lauds Immigration Officer III Vincent Estacio for setting a good example to other public servants. His actions show that there are still a lot of good people in government,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Leave a comment