Panawagan ni PBBM sa ASEAN suportado ni Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Suportado ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga bansang kasapi ng ASEAN na magkaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at mapahupa ang tensyon sa South China Sea.

Sa retreat session ng 43rd ASEAN Summit and Related Summits, binigyang halaga ni Pangulong Marcos ang natatanging regional structure ng ASEAN na magsisilbing diplomatikong tulay para isulong ang pagkakasundo, pagtitiwala at payapang pagresolba ng mga isyu.

“The President’s stance on a rules-based approach in settling the South China Sea territorial disputes underlines our commitment to international law, particularly the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” sabi ni Romualdez.

“By reiterating this stand in the ASEAN forum, we are emphasizing the importance of peaceful dialogue and negotiations, ensuring that our sovereign rights are recognized and respected,” dagdag pa nito.

Ang pagdaraos ng 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Indonesia ay naganap matapos na maglabas ang China ng bagong mapa kung saan mas pinalawak nito ang inaangking teritoryo sa South China Sea.

Kasama ng Pilipinas ang ASEAN members na Malaysia at Vietnam, pati na ang India na nagpahayag ng mariing pagtutol sa naturang bagong mapa ng China.

“A united ASEAN working together for the observance of rules-based order in the South China Sea can exert considerable influence towards peaceful and diplomatic settlement of disputes which would be mutually beneficial for all concerned,” sabi ni Romualdez.

Makatutulong din aniya ito upang mapalakas ang pagtutulak sa negosasyon sa binubuong Code of Conduct in the South China Sea.

Sa naging intervention sa ASEAN summit, sinabi ni Marcos na kailangan maging maingat sa pagtingin sa tensyon sa South China Sea mula sa pananaw ng dalawang makapangyarihang bansa na nagbabanggaan.

“This not only denies us of our independence and agency but also disregards our own legitimate interests,” sabi ni Marcos.

Pinanindigan din nito na patuloy na kikilalanin ng Pilipinas ang kalayaan sa paglalayag at paglipad sa South China Sea alinsunod sa international law, kasama na ang 1982 UNCLOS.

Nanawagan rin ang Punong Ehekutibo na maghinay-hinay sa mga isasagawang aktibidad at hakbang upang hindi na maging kumplikado pa ang sitwasyon sa South China Sea na makakaapekto sa kapayapaan, pag-unlad at seguridad sa rehiyon.

“We cannot emphasize enough that actions, not words, should be the ultimate measure of our commitment to securing peace and stability in the South China Sea. Anything else will not suffice,” dagdag ng Chief Executive

Leave a comment