5 araw na compassionate leaves ibigay na sa manggagawa — Rep. Dy

Rep. Inno Dy

Ni NOEL ABUEL

Umaasa ang isang kongresista na maipapasa ng Kamara ang panukalang magbibigay ng karagdagang araw na bakasyon para sa mga manggagawa.

Sa inihaing House Bill No. 8822 ni Isabela 6th District Rep. Inno Dy, layon nito na magbigay sa mga empleyado ng pribado at pampublikong sektor ng 5 araw na compassionate leave benefits.

“HB No. 8822 recognizes Filipinos’ strong family ties. Through this proposed measure, we hope to help lessen the burden borne by employees who are already facing crises with their families,” sabi ni Dy.

“Our employees should not have to be punished for attending to crucial family matters by being docked their pay for the day,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang 5 compassionate leave days ay maaaring gamitin para sa mga kritikal na usapin ng pamilya tulad ng pagkakaroon ng sakit at pagkamatay ng mga malapit na miyembro ng pamilya o kamag-anak sa loob ng ikatlong antas ng consanguinity o affinity.

Ang mga empleyadong nagtrabaho ng hindi bababa sa anim na buwang serbisyo ang may karapatan sa benepisyong ito.

Ang 5-araw na compassionate leave ay magiging non-cumulative at hindi mapapalitan sa cash.

Ang compassionate leave ay ibibigay bilang karagdagang benepisyo ng mga empleyado na iba sa benepisyong itinatakda ng kasalukuyang batas at regulasyon.

“With this measure, we boost the morale of the employees, and improve job satisfaction, productivity, and overall wellness, which ultimately benefits our organizations,” sabi ni Dy.

Nabatid na ang nasabing panukala ay kasalukuyang tinatalakay sa House Comittee on Labor and Employment.

“Umaasa po tayo na sa tulong ng deliberasyon sa komite ay mapabuti pa natin ang panukala upang maging mas epektibo ito at tunay na makatulong sa mga kababayan natin,” pahayag pa ng mambabatas.

Leave a comment