Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.1

NI MJ SULLIVAN

Niyanig na malakas na paglindol ang probinsya ng Davao Occidental kanilang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-3:20 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 5. 1 na lindol sa layong 305 km timog silangan ng Sarangani Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim iton 130 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity I sa Malungon, Sarangani.

Wala namang inaasahang danyos ang nasabing malakas na paglindol subalit nag-abiso ang Phivolcs na asahan ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment