French national arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Naaresto ng mga tauhan ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI-ID) ang isang French national na illegal na nananatili sa bansa.

Kinilala ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan, Jr., ang nadakip na dayuhan na si Yassine Nouraddine Debah, 51-anyos, sa Balagtas St., Victory Norte, Santiago City, Isabela.

Ang pag-aresto sa nasabing dayuhan ng mga tauhan ng Regional Intelligence Operations Unit – 2 (RIOU-2) ay isinagawa noong Setyembre 4 at 5 sa bisa ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Norman Tansingco.

“We will not tolerate overstaying aliens who disregard the legal requirements of their stay in our country. We will continue to be vigilant and proactive in ensuring that immigration regulations are upheld,” sabi nito.

Inutusang arestuhin si Debah matapos mapatunayang lumabag sa Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa pagiging overstaying at dahil sa pagiging undocumented.

Sinabi ni Manahan, Jr. na nagsagawa ng 2-araw na surveillance ang mga intelligence personnel sa tirahan ni Debah upang kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan, sa pakikipag-ugnayan sa Santiago City police at mga opisyal ng Victory Norte Barangay.

Nang makumpirma ang lokasyon ng dayuhan agad na nagsagawa ng operasyon ang BI-ID kung saan nang mahuli si Debah ay nagpakita ito ng expired na pasaporte.

Agad na dinala sa BI holding facility sa Bicutan, Taguig si Debah habang inihahanda ang pagpapatapon dito pabalik ng kanyang bansa.

Leave a comment