Breaking news!!

PLM PREXY NAGBITIW

Ni NERIO AGUAS

Naghain ng pagbibitiw sa posisyon bilang presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si Professor Emmanuel Leyco.

Nabatid na ito’y matapos kuwestiyunin ng Commission on Higher Education (CHeD) ang kawalan ng ‘doctorate degree’ ni Leyco na isang kilalang economic professor sa bansa.

Ang resignation letter ay ipinadala ni Leyco sa tanggapan ni Manila Mayor Honey Lacuna at magiging epektibo ito sa darating Setyembre 29, 2023.

Sinasabing ang pagbibitiw ay nag-ugat matapos maglabas ng resolusyon ang CHeD na ibinabasura ang exemption ng PLM sa minimum requirement ng ‘institutional recognition for Local Universities and Colleges.’

Posible aniyang maging dahilan ito upang matanggal ang PLM sa mga listahan ng Unibersidad na may Free Higher Education Program.

Dahil sa pagbibitiw ni Leyco, malungkot ngayon ang buong PLM community dahil kilalang isa sa pinakamagaling na presidente ng kanilang pamantasan ang una.

Isang academe mula sa PLM ang nagsabing posibleng ‘napulitika’ si Leyco kaya napilitan itong mag-resign.

“May mga PLM president na kami na walang doctorate degree. Isa riyan si Atty. Adel Tamano pero hindi kami ‘nagulo’ ng ganito,” anang isang college professor na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Ang PLM ay itinatag at pinagtibay ng Kongreso sa pamamagitan ng Republic Act No. 4196 noong June 1965.

Kasama ng PLM ang University of the Philippines (UP) na itinatag sa pamamagitan naman ng Act No. 1870 ng Philippine Assembly noong taong 1908.

Ilan sa mga ito ay sina United Nations General Assembly President Carlos P. Romulo, Senate President Eduardo Angara, Atty. Danilo Concepcion at ngayo’y Department of Trade and Industry Sec. Fred Pascual.

May sariling charter governing operations ang PLM, gayundin ang plantilla, personnel, faculty selection at fiscal autonomy, anang isang academe member.

Wala mang doctorate degree, isa si Leyco sa kinikilalang economic professor sa Pilipinas at maging lahat ng mainstream, broadcast at digital media ay paborito itong kapanayamin dahil sa ‘objective’ nitong pananaw at pag-aanalisa patungkol sa takbo ng ekonomiya ng bansa.

Naging officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), si Leyco ay nagsilbi rin bilang Undersecretary for Finance and Administration ng nasabing kagawaran.

Tulad ng PLM, produkto si Leyco ng public school na nag-aral sa Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Sampaloc, Ramon Magsaysay High School at Claro M. Recto High School hanggang sa makatapos ng Bachelor of Arts in Behavioral Science sa Dela Salle University.

Si Leyco ay nagtapos ng Master of Arts in Organizational Psychology sa Columbia University, Master in Public Administration sa Harvard Kennedy School of Government at naging professor sa Asian Institute of Management (AIM).

Isa siyang ‘true-blooded’ Manileno.

Sa ilalim ng pamumuno ni Leyco, ang PLM ang isa sa may pinakamataas na ratings pagdating sa mga board exams, partikular na sa medisina, nursing at engineering.

Higit na napatatag ni Leyco ang kalidad ng edukasyon ng PLM at naihanay sa mga kilalang unibersidad ng Pilipinas, tulad ng UP, Ateneo, La Salle, Mapua at UST.

Leave a comment