Cagayan niyanig ng magnitude 6.3 at magnitude 4.9 na lindol

NI MJ SULLIVAN

Tinamaan ng malakas na paglindol ang ilang lalawigan sa Luzon kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa Phivolcs, dakong alas-7:03 ng gabi nang maramdaman ang magnitude 6.3 na lindol sa layong  019 km hilagang kanluran ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan at may lalim na 031 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity VI sa Calayan, Cagayan; intensity V sa Luna, Apayao; Bacarra, Bangui, Burgos, Dumalneg, lungsod ng Laoag, Pagudpud, Paoay, Pasuquin, San Nicolas, at Vintar, Ilocos Norte; Aparri, Baggao, Camalaniugan, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Ana, at Santa Praxedes, sa Cagayan.

Intensity IV naman sa Flora, at Santa Marcela, Apayao; Banna, bayan  ng Batac, Carasi, Currimao, Dingras, Marcos, Pinili, Sarrat, at Solsona, Ilocos Norte; Sinait, Ilocs Sur; Abulug, Allacapan, Ballesteros, Buguey, Enrile, Gonzaga, Iguig, Lasam, Peñablanca, at Tuguegarao City, Cagayan.

Naitala rin ang intensity III sa Bucay, Lacub, Lagayan, at San Juan, Abra; Atok, at Kapangan, Benguet; Bauko, Besao, Natonin, at Sagada, Mountain Province; Adams, Nueva Era, at Piddig, Ilocs Norte; Banayoyo, Bantay, Burgos, Cabugao, Caoayan, Lidlidda, San Emilio, San Esteban, San Ildefonso, San

Juan, San Vicente, Santa Catalina, Santa Cruz, Santiago, Santo Domingo, Sigay, at syudad ng Vigan, Ilocos Sur; Basco, Ivana, Mahatao, Sabtang, at Uyugan, Batanes; Solana, Cagayan; Tumauini, Isabela; Santo Domingo, Nueva Ecija.

Intensity II naman sa Bangued, Dolores, La Paz, Luba, Peñarrubia, Pidigan, Sallapadan, San Quintin, Tayum, Tineg, at Tubo, Abra; Kibungan, Benguet; Narvacan, Santa, at Santa Maria, Ilocos Sur; Bacnotan, at Balaoan, La Union; Ilagan City, Isabela at intensity I naman sa San Isidro, Abra; Candon City, at Tagudin, Ilocos Sur; Aringay, at syudad ng San Fernando, La Union.

Dinagdag pa ng Phivolcs, na bago ang nasabing malakas na paglindol ay nakapagtala rin ng malalakas na paglindol kabilang ang magnitude 4.9 dakong alas-1:30 ng madaling-araw.

Ang lokasyon nito ay nasa 051 km hilagang silangan ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan na may lalim na 024 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity V sa Calayan, Cagayan habang intensity IV sa Adams, Pagudpud at Bangui, Ilocos Norte; Pamplona, Claveria, Sanchez Mira at Santa Praxedes, Cagayan; at intensity III sa Dumalneg, Burgos at Pasuquin, Ilocos Norte at intensity II sa Aparri, Cagayan.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may naitalang danyos ang nasabing mga paglindol.

Leave a comment